Atake ng atake, taktika ni Clottey para talunin ang pound for pound king
ARLINGTON, Texas— Aasintahin ni Ghanaian Joshua Clottey ang katawan ni Pinoy ring icon Manny Pacquiao sa kanilang sapakan Sabado (Linggo sa Maynila) sa Cowboys Stadium dito.
Nais ni Clottey na palambutin ang seven-time world champion na itataya ang World Boxing Organization title.
“I will go to his body a lot. I will follow him, I will hit him to the body,” sabi ni Clottey sa mga mamamahayag Miyerkules.
Sinabi ni Clottey na kaya niyang tanggapin ang lahat ng ibabato ni Pacquiao at magpapakawala siya ng mga epektibong suntok.
“It doesn’t matter if he throws 1,000 punches, if I’m blocking them. I don’t waste punches,” sabi ni Clottey. “He throws a lot of punches, but he’s the smaller guy. I throw fewer, but they are going to connect, and that’s going to do damage.’’
Sinabi ni Pacquiao at Hall of Famer trainer Freddie Roach na hindi pa nararanasan ni Clottey ang katakot-takot na mga suntok na pakakawalan ni Pacquiao na kilala sa kanyang bilis at sangkaterbang suntok.
Tiniyak ni Roach na handa si Pacquiao sa mga binabalak na istratehiya ni Clottey at ng kanyang kampo.
“We’re ready for more than one game plan and we will adapt ... He (Clottey) blocks punches in a way that can be broken,” pagtitiyak ni Roach.
Aminado si Pacquiao na magagamit ni Clottey ang height at reach advantage. “if he knows how to use it.” “I don’t want to underestimate Joshua Clottey,” sabi ni Pacquiao.Si Pacquiao ay 5-foot-6 samantalang 5-foot-8 ang challenger. Reuters





