Sunday
Aug 01st
Text size
  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home Showbuzz Showbuzz Nation Kaibigan sinisiraan

Kaibigan sinisiraan

(0 votes, average: 0 out of 5)
smaller text tool iconmedium text tool iconlarger text tool icon

Turing pa naman ni Popular Star kay Top Director ay isa itong loyal na kaibigan. Isa palang malaking pagkakamali.
Ilang beses na rin kasi binigyan ni PS si TD ng maraming malalaking proyekto. Pero kamakailan, narinig ng ilang supporters ni PS na nagbibitaw ng hindi magandang mga salita si TD tungkol kay PS.
“She’s fat, over-the-hill,” paglalarawan ni TD kay PS sa harap ng mga katrabaho niya.
Isang pang Friend Daw, at kasangga ni TD, ang nagsabi pang insecure lang si PS: “Just because there are younger, prettier and more talented stars out there, PS is acting up.”
Sabi ng isang tunay na kaibigan ni PS: “Maybe TD and SF are just laying the blame on PS for the failure of their own projects.”

Kapalit ng ‘Sis’
Nakapagtataka pero ang bagong show na papalit sa pang-umagang palatuntunan sa GMA 7 na Sis ay hindi na ang program ni Manny Pacquiao na Todo Bigay.
Ang Tape Inc., ang prodyuser ng Eat Bulaga, ang siyang inatasang mag-co-produce (kasama ang GMA 7) ng Diz iz It, ang bagong show na iho-host nina Bayani Agbayani, Ehra Madrigal, Shivaker, Gwen Agnese at Grace Lee.
Kabilang sa mga unang guest ay si Maricel Soriano, na isa na ngayong free agent. Bukod sa pag-guest sa palabas ng GMA 7, lalabas na rin siya sa  month-long drama special sa TV5.

TV5 na rin siya
Bukod kina Dolphy at Maricel Soriano, handa na ring gumawa si Vic Sotto na isang show sa TV5.
Ang sitcom ni Vic ay bersyong pantelebisyon ng kanyang lahok sa Metro Manila Film Fest, Ang Darling Kong Aswang. Ngunit dahil ang kanyang original partner na si Cristine Reyes ay taga-ABS-CBN, si Ehra Madrigal ang minamataan maging kapartner niya.
Ayon sa isang source, ipalalabas ang show ni Vic back-to-back sa sitcom ni Dolphy.
Lohikal na ilipat ni Vic ang kanyang sitcom mula sa GMA 7 patungong TV5 dahil siya rin ang host ng game show na Who Wants to be a Millionaire.

Ay mali
Married Actor wants to clear the issue that he’s the kept boy of Millionaire Exec.

MA explains that it’s not him, but Look-alike Actor, who has hooked up with ME.

A spy claims that LA once turned down ME’s generous offer, but that the hunk eventually succumbed after a series of unfortunate events that put him in the red. Poor guy.

Love Radio online
 Sa ika-14 ng Pebrero, ilulunsad ang web site ng 90.7 Love Radio, bilang pagdiriwang sa ika-36 anibersaryo nito. Maari nang makausap online ang mga DJ sa http://www.loveradio.com.ph. Ayon kay Juan Elizalde, bise presidente para sa FM radio operations ng MBC, sa pinakahuling mga survey ng Radio Research Council at AGB Nielsen, nananatiling “over-all #1 radio station” pa rin ang 90.7 Love Radio.

 

Quote this article on your site

To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.




Preview :

Kaibigan sinisiraan
Monday, 08 February 2010
Turing pa naman ni Popular Star kay Top Director ay isa itong loyal na kaibigan. Isa palang malaking pagkakamali. Ilang beses na rin kasi binigyan ni...

Share/Save/Bookmark
 



Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

All rights reserved. Subject to the conditions provided for by law, no article or photograph published by Inquirer Libre may be reprinted or reproduced, in whole or in part, without its prior consent.


Banner
Banner

Advertorials

 

Inquirer Libre Classifieds

  Place an Ad at Libre Classifieds for a minimal fee and get more leads and close sale...

Sponsors


giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock