Aminado ang aktres na si Anne Curtis na nag-aalala siya na maaaring lumikha ng alingasngas sa pagitan nila ng kanyang kasalukuyang kasintahan, ang Filipino-French model na si Erwan Heussaff, ang maiinit na love scene nila ng dati niyang boyfriend na si Richard Gutierrez sa pelikula ni Mac Alejandre na In Your Eyes.
“I feel that even though Erwan says he supports my movie 100 percent, kahit papano may selos pa din,” Anne told Inquirer Entertainment. “Richard and I went all-out in this movie.”
Sa isang pagtitipon kamakailan kasama ang media para sa In Your Eyes, itinanggi ni Anne na nakipaghiwalayan na siya kay Erwan. “If you follow me on Twitter, you’ll see that we’re okay.” Dagdag pa niya, “I’ve learned from the past that if you’re dating someone outside show biz, it’s best not to talk about him too much.”
Sa pelikula, gumaganap si Anne bilang Julia, na dahil sa kanyang pagsusumikap ng sobra upang maabot ang kanyang mga ambisyon ay nasasakripisyo ang kanyang personal na kaligayahan at maging ang relasyon niya sa kanyang kapatid na si Ciara (Claudine) at boyfriend na si Storm (Richard).
Isang physical therapist sa United States si Ciara at muli silang magkakasama ni Julia matapos silang hindi magkita ng walong taon. Magkakaroon ng tunggalian dahil mahuhulog ang loob nina Ciara at Storm, na isa namang freelance photographer.
Kagaya ni Julia, meron kang ate. Tingin mo posible kayong ma-inlab sa iisang lalaki?
As Direk Mac said, this plot does happen in real life. It’s good that Jasmine is older than I am by almost 10 years, so iba kami ng type.
Nag-request nga raw ba talaga si Richard na dagdagan ang mga love scene ninyong dalawa?
Nakulangan si Richard sa love scenes namin. I respect the opinion of my coactors.
Ikumpara mo ang halikan ninyo ni Richard sa pelikulang ito at sa 2004 “kissing video” ninyo.
He was my boyfriend then, and we were just being playful. This latest kiss is for a heavy drama. It’s more intense.





