Friday
Sep 10th
Text size
  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home News & Events

News & Events

PNoy: Malalagpasan natin ito

Sinabi ni Pangulong Aquino Linggo ng gabi na mabilis na makakaahon ang bansa sa trahedya ng pambibihag noong Agosto 23 kung saan walong turistang mula sa Hong Kong ang namatay at nagbunga ng pagkondena sa kapabayaan ng pamahalaan.

“Sandali na lang yan eh malalaktawan na ho natin, talagang tinuturo tayo na mas buo doon sa daan na tuwid,” ani G. Aquino sa talumpati niya sa burol ng dating alkalde ng Olongapo City na si Teodoro Macapagal, isang matagal nang tagasuporta ng pamilya ng Pangulo.

“Yung mga problema ho natin sa kasalukuyan baka dalawa, tatlong taon masasabi nating, matatawa na lang tayo pag naalala natin ‘di pala ganun kabigat,'' sabi ng Pangulo.

Pero hiningi ng Punong Ehekutibo ang tulong ng lahat upang malagpasan ng bansa ang krisis at matulungan ito sa pag-unlad.

Nanawagan din siya sa mga mamamayan na magdasal dahil naniniwala siya na may magandang plano ang Diyos para sa Pilipinas.

Matinding pagbatikos ang inabot ng pamahalaan at ng mga Pilipino bunga ng pumalpak na pagliligtas sa mga bihag na napanood sa buong mundo.

 

 
Page 2 of 1676



Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

All rights reserved. Subject to the conditions provided for by law, no article or photograph published by Inquirer Libre may be reprinted or reproduced, in whole or in part, without its prior consent.


Banner
Banner

Advertorials

 

Inquirer Libre Classifieds

  Place an Ad at Libre Classifieds for a minimal fee and get more leads and close sale...

Sponsors


giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock