Pasok ang mga mag-anak nina mall magnate Henry Sy at tobacco king Lucio Tan sa talaan ng mga bilyonaryo sa mundo na pinangunahan ng isang matipid na Mexicanong mas gustong gumamit ng papel na kuwaderno sa halip na mga kompyuter na binebenta niya.
May 1,011 bilyonaryo sa 2010 Forbes list. Umangat sa ika-201 sa net worth na $4.2 bilyon ang mga Sy mula sa ika-234 sa net worth na $2.7 bilyon noong isang taon.
Hawak ng mga Sy ang pinakamalaking mall chain sa bansa na SM, at Banco de Oro Unibank. Lumawak rin ang holding company ng angkan na SM Investment.
Bumaba naman sa ika-528 ang mga Tan mula sa ika-522 noong isang taon, kahit pa tumaas ang net worth nila sa $1.7 bilyon, mula sa $1.4 bilyon noong 2009.
Hawak nila ang Fortune Tobacco, Asia Brewery at Philippine Airlines, ilang minahan at bangko.
Inungusan naman ng Mexicanong telco tycoon na si Carlos Slim ang mga Amerikanong sina Bill Gates at Warren Buffett upang maging unang taga-developing nation na manguna sa talaan.
“Wealth must be seen as a responsibility, not as a privilege. The responsibility is to create more wealth. It’s like having an orchard; you have to give away the fruit, but not the trees,” ani Slim, na may $53.5 bilyon na yaman. Reuters, Inquirer Research
Quote this article on your site
To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Friday, 12 March 2010
Pasok ang mga mag-anak nina mall magnate Henry Sy at tobacco king Lucio Tan sa talaan ng mga bilyonaryo sa mundo na pinangunahan ng isang matipid na...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio
