Verzosa: Ang 120,000 pulis magtatanggol sa taumbayan
Hindi susuportahan ni Philippine National Police Director General Jesus Verzosa ang bagong-talagang AFP chief of staff Lt. Gen. Delfin Bangit kung itatalaga nito si Pangulong Macapagal-Arroyo bilang holdover president.
“According to the Constitution, we must have a new President after June 30,” sabi ni Verzosa sa mga editor at reporter Martes ng gabi.
Sumumpa rin ang PNP chief na pipigilan ang anumang iligal na pagtatangka na mabalewala ang halalan sa Mayo at anumang pagsakop sa anumang gusali ng pamahalaan, tulad ng sa Comelec.
May sapat na kakayanan ang 120,000-lakas na kapulisan “[to] protect the rights of our people,” ayon kay Verzosa. Aniya, mananatili ring tapat sa Saligang Batas ang PNP.
Sinabi niya na kahit ang malapit niyang pakikipagkaibigan kay Interior Secretary Ronaldo Puno, isa sa pinakapinagkakatiwalaan ni Ms Arroyo, ay mag-uudyok sa kanya na sumunod sa mga iligal na utos.
Tinanong kung ano ang gagawin niya kung magkaroon ng failure of elections at iluklok ni Bangit si Ms Arroyo, sinabi ni Verzosa na hihingi siya ng gabay mula sa Korte Suprema.
May mga pangamba na masasabotahe ang automated elections at mananatili sa poder si Ms Arroyo.
Quote this article on your siteTo create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Wednesday, 10 March 2010
Verzosa: Ang 120,000 pulis magtatanggol sa taumbayan Hindi susuportahan ni Philippine National Police Director General Jesus Verzosa ang...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio
