Bawasan dagdag sa singil
Inutusan kahapon ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Co. (Meralco) na ipako sa 91.14 sentimos per kilowatt hour (kWh) ang idadagdag sa generation charge para sa Marso sa halip na P1.3852 per kWh na hinihingi ng power distributor.
Nangangahulugan na ang lilitaw na basic generation charge sa bill ng mga kliyente ngayong buwan ay P5.8417 per kWh kumpara sa P6.3154 per kWh na gusto ng Meralco, sabi ni ERC Executive Director Francis Saturnino Juan.
Humingi na ng mas mababang singil ang Meralco pero binabaan pa iyon ng ERC.
Nagpanukala ang Meralco ng P1.3852 per kWh imbes na P1.8298 per kWh na dapat na singil bunsod ng mas mataas na generation cost.
Sa kabila ng utos ng ERC na babaan ang singil para sa buwan ng Marso, pinayagan naman nito ang Meralco na sumingil ng dagdag na 7-sentimos per kWh sa susunod na anim na buwan.
Sinabi ni Juan na binawasan ang singil ng Meralco dahil kumuha ito ng higit sa dapat bilhin sa Wholesale Electricity Spot Market.
Quote this article on your site
To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Wednesday, 10 March 2010
Bawasan dagdag sa singil Inutusan kahapon ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Co. (Meralco) na ipako sa 91.14 sentimos per...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio
