Tulad ng balut, ang unang presidential debate na binuo ng Inquirer ay hindi para sa mahina ang loob.
Markado ng matutulis at matatalas na mga tanong—mula sa presyo ng galunggong at itlog na pula hanggang sa pagpapalit ng Saligang Batas at kakulangan sa badyet—tumatagos na pasaring, at buhay na buhay na mga manonood ang debate kahapon sa UP Theater sa Diliman, QC.
Humarap sa matinding panggigisa sina Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III, Richard “Dick” Gordon, Ana Consuelo “Jamby” Madrigal at Manny Villar, Konsehal JC de los Reyes, environmentalist Nicanor “Nicky” Perlas, dating Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro at ebanghelista Bro. Eddie Villanueva mula sa siyam na panelistang nagbato ng tanong mula sa mga mambabasa ng Inquirer at ilang manonood.
Tumagal nang mahigit dalawang oras ang tanungan at sagutan na inere ng dzBB, istasyong pang-radyo ng GMA 7, ang katuwang ng Inquirer sa pag-uulat kaugnay sa halalan.
Inagaw ni Madrigal ang atensyon tuwing pinatatamaan niya si Villar na binatikos niya mula sa kanyang napakaraming anunsyo hanggang sa pag-boykot ng kanyang grupo sa huling araw ng sesyon sa Senado. Hangad sana ng mga kalaban ni Villar na kastiguhin siya dahil sa umano’y pakikinabang niya sa proyekto ng C5 Road.
Ngunit natumbok din si Madrigal nang hindi niya masagot kung magkano ang presyo ng galunggong at ng itlog na pula.
Inilatag ni John Nery, kolumnista ng Inquirer, kung bakit isinagawa ng padebate ng Inquirer. At ito ay upang ipakita ang pag-uugali ng bawat kandidato “or lack of it” at ipakita ang kanyang kumpiyansa o ang kawalan niya nito.
Quote this article on your siteTo create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Monday, 08 February 2010
Tulad ng balut, ang unang presidential debate na binuo ng Inquirer ay hindi para sa mahina ang loob. Markado ng matutulis at matatalas na mga...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio
