NAWALAN ng tirahan ang mahigit 1,000 pamilya nang matupok ang may 500 bahay sa Caloocan City, anang mga otoridad.
Umabot sa P5 milyon ang paunang tantya sa naabo sa siyam-na-oras na sunog sa Philippine National Railways compound sa Samson Road. Maari pa itong lumaki, anang mga imbestigador
Walang naiulat na namatay o nawawala ngunit maraming napabalitang nasaktan.
Nagsimula ang sunog 6:25 ng gabi nitong Sabado sa bahay ni Virgilio Corsino, ayon sa pagsisiyasat nina SFO4 Randy Resurreccion at SFO1 Edwin Buenaventura.
Ayon sa mga imbestigator, maaaring nagsimula ang sunog nang dumikit ang isang nagbabagang kawad ng kuryente sa hose ng tangke ng liquefied petroleum gas.
Mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayan na gawa sa kahoy at iba pang madaling magningas na materyal.
Umabot sa General Alarm ang sunog kung saan tinawagan ang lahat ng bumbero sa buong Kamaynilaan upang maapula ang apoy.
Bandang alas-3ng madaling-araw na ng Linggo nang ideklarang patay ang sunog.
Napilitang tumira ang mga nasunugan sa mga bangketa at bakanteng lote habang naghihintay na mailipat sa mga evacuation center.
Quote this article on your siteTo create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Monday, 08 February 2010
NAWALAN ng tirahan ang mahigit 1,000 pamilya nang matupok ang may 500 bahay sa Caloocan City, anang mga otoridad. Umabot sa P5 milyon ang paunang...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio

