Sunday
Aug 01st
Text size
  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home News & Events Current News Inquirer presidential debate ngayon sa UP

Inquirer presidential debate ngayon sa UP

(0 votes, average: 0 out of 5)
smaller text tool iconmedium text tool iconlarger text tool icon

Daan-daang mambabasa ng Inquirer at Inquirer.net ang nagpadala ng tanong gamit ang Internet upang sagutin ng mga kandidatong dadalo ngayon sa “Inquirer 1st Edition: The Presidential Debate”

May ilang tanong na nagpapahiwatig ng paninindigan ng nagtatanong na nag-logon sa Inquirer website at sumagot sa isang online form.

Masasabi na ilan sa mga nagtanong ay galit o tuwirang kaaway ng isa o ilang kandidato. Nakararami ang magalang at hindi kakikitaan ng bias.

Marami sa mga tanong ay para sa lahat ng kandidato, pero ang malaking bilang ay para kay Benigno “Noynoy” Aquino III, Manuel “Manny” Villar at Gilbert “Gibo” Teodoro. May ilan na para kay Joseph Estrada.

Tiniyak na nina Aquino, Villar at Teodoro na darating sila. Nagpasabi na rin sina JC de los Reyes, Sen. Richard Gordon, Sen. Ana Consuelo Madrigal, Nicanor Perlas at Bro. Eddie Villanueva na sila ay dadalo.

Sa daan-daang tanong, 18 ang pipiliin at ibabato ng siyam na panelistang binubuo ng mga kolumnista, editor at manunulat ng Inquirer.

May kabuuang 81 tanong sa debate o tig-siyam sa bawat kandidato.

Namigay ng 2,000 tiket para sa unang presidential debate na binuo ng Inquirer at gaganapin sa UP Theater.

Quote this article on your site

To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.




Preview :

Inquirer presidential debate ngayon sa UP
Monday, 08 February 2010
Daan-daang mambabasa ng Inquirer at Inquirer.net ang nagpadala ng tanong gamit ang Internet upang sagutin ng mga kandidatong dadalo ngayon sa...

Share/Save/Bookmark
 



Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

All rights reserved. Subject to the conditions provided for by law, no article or photograph published by Inquirer Libre may be reprinted or reproduced, in whole or in part, without its prior consent.


Banner
Banner

Advertorials

 

Inquirer Libre Classifieds

  Place an Ad at Libre Classifieds for a minimal fee and get more leads and close sale...

Sponsors


giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock