Pinakakasuhan na ng Department of Justice ng dalawang bilang ng pamamaslang ang 25 pulis na sangkot sa shoot-out sa mga hinihinalang magnanakaw sa Parañaque City noong 2008.
Nasawi sa pamamaril sa United Parañaque Subdivision IV noong Dis. 5, 2008, si Alfonso “Jun” de Vera, 53, at pitong-taong-gulang niyang anak na si Lia Allana.
Walang na-rekomendang piyansa para sa mga pulis na kasapi ng Philippine National Police Special Action Force (SAF).






