Pilipino ang pinakasalan ng unang Miss Universe na si Armi Kuusela ng Finland.
Si Blesilda Ocampo ang unang Pilipinang semifinalist. Sumali siya noong 1954. Si Lalaine Bennett naman ang unang Pinay na nakapasok sa Top 5 noong 1963.
Dalawang ulit na nag-host ng Miss Universe ang Pilipinas—noong 1974 at noong 1994.
Nanalo si Gloria Diaz ng Pilipinas noong 1969, noong unang tanungin ng iisang final question ang Top 5.
Unang lumabas ng Estados Unidos ang Miss Universe noong 1973 nang ganapin ito sa Athens, Greece. Si Margie Moran ng Pilipinas ang nagwagi noon.
Pilipinas ang may pinakamaraming Miss Photogenic winners—pito.
Si Miriam Quiambao ang huling Pilipinang pumwesto sa Miss Universe. First runner up siya noong 1999.
Si Peter Serrano, isang Pilipino, ang nagturo at nagsanay kay Miss Australia Jennifer Hawkins na tinanghal na Miss Universe noong 2004.





