Sunday
Aug 01st
Text size
  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home Features Emily's Corner Liham ng isang naloloka

Liham ng isang naloloka

(0 votes, average: 0 out of 5)
smaller text tool iconmedium text tool iconlarger text tool icon

DEAR Emily,

Nagkilala kami ng boyfriend ko noong high school pa kami.  Dahil sa kabataan namin, pinayuhan kaming maghintay pang magtapos ng pag-aaral bago kami maging seryoso.

Pero hindi namin pinakinggan ang mga magulang namin at patago kaming nagkikita. Mahal na mahal ko siya.  Nang pumunta siya sa probinsiya upang magtrabaho, pinangako niyang bale wala raw ang paghihiwalay namin.

Patuloy pa rin ang aming text sa isa't isa, hangang matapos ang ilang buwan at sinabi niyang may nabuntis daw siya. Kaopisina raw niya ito at kailangan niyang pakasalan.

Tatlong taon ko siyang hindi nadinggan at nagulat na lang ako nang dumating siya sa amin.  Hiwalay na raw sila ng asawa niya at gusto raw niyang bumalik sa akin.

Mahal ko siya talaga at wala akong naipalit sa kanya.  Maganda na ang buhay ko at natatakot akong baka sumama pa ang takbo nito kung sumama ako sa isang may asawa.

Naloloka Na


ANO ba ang balak niya sa buhay?  Pakakasalan ka raw ba niya?  Kung oo, handa ba siyang gumastos sa pagwawalang bisa sa una niyang kasal?

Kung hindi naman kayo magpapakasal at magsasama na lang, ano na ang papel ng magiging anak ninyo? Masyado naman kasi siyang nalulang makakilala ng bagong babae nang maghiwalay kayo sandali.

Timbangin mo ang lahat bago ka pumayag dahil hindi na kayo mga bata. Marami nang kasama sa eksena ngayon at medyo magulo na ng konti ang kapaligiran ninyo.

Baka mangyari na naman itong ginawa niya sa iyong  muli.  Huwag naman sana dahil mas mabuti pa kung kumuha ka na lang ng bato at ipinukpok mo sa ulo mo ’pag nagkataon.

Quote this article on your site

To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.




Preview :

Liham ng isang naloloka
Monday, 08 February 2010
DEAR Emily, Nagkilala kami ng boyfriend ko noong high school pa kami.  Dahil sa kabataan namin, pinayuhan kaming maghintay pang magtapos ng...

Share/Save/Bookmark
 



Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

All rights reserved. Subject to the conditions provided for by law, no article or photograph published by Inquirer Libre may be reprinted or reproduced, in whole or in part, without its prior consent.


Banner

Advertorials

 

Inquirer Libre Classifieds

  Place an Ad at Libre Classifieds for a minimal fee and get more leads and close sale...

Sponsors


giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock