DEAR Emily,
Nabiyuda ako 20 years ago at ang dalawang anak ko ay may sari-sarili nang buhay. Mahilig akong makipagkaibigan, malalaki man ito o mababae.
Sa aking isip, lahat ng tao ay mabait at maaari kong maging kaibigan. Magsi-60 years old na ako at buong buhay ko, ganito na ugali ko.
Akala ko ay mabuti ito pero hindi pala. Kung sino pa ang mga natutulungan ko, sila pa ang nagkakalat ng masama tungkol sa akin. May isang buong pamilya akong natulungan na ipinasok sa trabaho pero minsan lang akong hindi nakatulong ay sinumbatan na ako nang grabe.
Gusto ko tuloy gumawa ng ulat sa kanila para naman matauhan itong mga walang isip na ito! Bakit gano’n ang maraming tao?
Kaibigang Mapagmalasakit
MATAGAL ko nang sinabing hindi natin karapatang manumbat sa mga kabutihang nagawa natin sa ibang tao. Lahat ng
iyon ay nakalista na sa isang “savings account” sa langit kung ikaw ay naniniwalang may Diyos nga.
Hayaan mo na itong mga nagpapasama sa loob mo dahil babalik at babalik din sa kanila ang mga ginagawa nila sa iyo. Ipagpatuloy mo ang kabutihan mo sa kapwa mo, hindi dahil dadami ang deposito mo sa “savings account” mo, kundi ito ay nararapat lang.
Isipin mong lagi na ang pag-gawa mo ng mabuti ay nakaliligaya sa kalooban mo at dahil dito, nagbibigay ito ng katahimikan sa isipan mo. Hindi ito mabibili ng salapi, sa totoo lang.






